NHA, MERALCO, magtutulungan para sa mabilis at maayos na suplay ng kuryente sa mga proyektong pabahay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magiging magkatuwang na ang National Housing Authority (NHA) at ang Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO) sa pagtitiyak ng mabilis at pinahusay na serbisyo ng kuryente sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan.

Napagkasunduan ito sa nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) nina NHA General Manager Joeben Tai, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar, Social Housing Finance Corporation (SHFC) President and Chief Excecutive Officer (CEO) Frederico Laxa, at Meralco Executive Vice President and CEO Engr. Ronnie Aperocho.


Sa ilalim ng kasunduan, titiyakin ang mabilis na pagkakaloob ng kuryente sa iba’t ibang proyekto ng NHA sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.

Ito ay upang masiguro na hindi lamang de-kalidad, ligtas, at komportableng pabahay ang matatamasa ng mga benepisyaryo kundi maunlad at progresibong komunidad na may mga pangunahing pangangailangan gaya ng kuryente.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni NHA GM Tai ang kahalagahan ng ugnayan ng NHA at Meralco upang magbigay ng tulong sa mga benepisyaryo ng pabahay.

“Prioritizing the provision of socialized housing units and power connection services as basic needs, we, at the NHA, together with your expertise in modern electric power distribution, will be able to deliver the support these families need towards their experience of a Bagong Pilipinas,” ani NHA GM Tai.

Bukod sa mga nabanggit na serbisyo, bubuo rin ang NHA at Meralco ng isang Technical Working Group (TWG) para mas mapagtibay ang kolaborasyon ng pamahalaan at Meralco sa pamamagitan ng pagbibigay-kaalaman sa mga benepisyaryo lalong-lalo na sa usapin ng kuryente, enerhiya at mga pamamaraan sa tama at angkop na paggamit nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us