Ibinida ni Pangasinan Rep. Maria Rachel Arenas ang mahahalagang probisyong nakapaloob sa Maritime Zones Bill na inaprubahan ng bicameral conference committee.
Ayon kay Arenas, isinama sa panukala ang South China Sea Arbitration (PCA Case No. 2013-19) bilang batayan ng maritime rights at jurisdiction ng Pilipinas.
Nagkasundo aniya ang kamara at senado na isama ang naipanalong arbitral case ng Pilipinas laban sa China upang ipakita ang commitment ng bansa sa pagkilala sa international legal rulings sa pag giit ng maritime claims.
Maliban dito malinaw din aniyang isinaad ang
delineations ng internal at archipelagic waters ng Pilipinas.
Inisa-isa rin aniya nila ang mga maritime features sa West Philippine Sea at isimama ang extended continental shelf sa Philippine Rise at West Palawan.
“The bill also solidifies Philippine sovereign rights pertaining to the exploration, exploitation, conservation, and management of natural resources, as well as jurisdiction over artificial islands, installations, and structures.” dagdag ni Arenas
Naniniwala ang kongresista na oras na maging ganap na batas ay lalong mapapalakas ng Pilipinas ang maritime security nito salig na rin sa umiiral na international standards na inilatag sa UNCLOS. | ulat ni Kathleen Forbes