Inihain ng mga kongresista na miyembro ng EDCOM 2 ang House Concurrent Resolution No. 28. Dito, hinihimok ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumuo ng cabinet cluster for education.
Ayon kay EDCOM 2 Co-Chairperson at Pasig Rep. Roman Romulo kailangan ng maigting na oversight sa lahat ng education agencies para matiyak ang cohesive at coherent na pagpapatupad ng batas, polisiya at reporma gayundin ang paglalatag ng long-term integrated national education and workforce development plan.
Inaasahan na makakatulong ang cabinet cluster para epektibong matugunan ang learning crisis sa bansa at maipatupad ng tama ang mga reporma sa sektor ng edukasyon.
“It has been three decades since the trifocalization of our education system. And the comprehensive national assessment of the performance of our education sector that we are doing in EDCOM 2 highlighted critical areas of coordination that still need to be done. And as lawmakers, we owe it to all Filipino learners to provide them with quality education and a learning environment that enables and empowers them to be productive individuals,” sabi ni Romulo na EDCOM 2 Co-Chairperson
Matatandaan na hinati ang education system sa sektor ng basic, higher at technical education na tinututukan ng Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority.
Gayonman bigo na makapagtatag ng isang National Coordinating Council for Education na magbabantay sa magkakaugnay na implimentasyon ng education strategy.
Katunayan sa ilalim ng year 1 report nakasaad na mayroong hindi bababa sa 68 interagency bodies na itinatag bilang coordination mechanisms na tunatalakay sa iba’t ibang isyu ng edukasyon.
“This is already very inefficient, and the lack of a coordinating mechanism further aggravates the problem,” dagdag no EDCOM 2 Executive Director Karol Yee.
Kasama ni Romulo sa paghahan sina
Reps. Mark O. Go, Kiko Benitez, Khalid Dimaporo at Pablo John Garcia.
Una nang lumiham ang EDCOM 2 kay PBBM noong June 27 para sa pagbuo ng Cabinet Cluster for Education. | ulat ni Kathleen Forbes