Nangyaring lindol sa Chile, walang banta ng tsunami sa bansa – Phivolcs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Chile.

Ayon sa Phivolcs, wala silang na-detect na tsunami threat sa kabila ng malakas na pagyanig na naganap sa Chile.

Ang magnitude 7.4 na lindol ay tumama sa Chile bandang alas-9:51 kaninang umaga.

Ang tsunami ay serye ng malalaking alon sa dagat na dulot ng “undersea earthquakes.” Ang alon na dulot ng tsunami ay maaaring umabot ng 5 metro. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us