2 indibidwal na biktima ng kidney for sale, nagtungo sa NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa pang indibidwal na naging biktima ng kidney for sale.

Isa sa kanila ay tuluyang nabiktima ng sindikato ng kidney organ trafficking at nagkaroon ng iba’t ibang sakit matapos ibenta ang kanyang kidney.

Inabot din umano ng anim na buwan bago siya nabayaran ng buong halagang P200,000

Ang isa naman ay muntik na ring maging biktima matapos makipag-transaksyon sa isang Facebook page na nagbebenta ng kidney.

Sa pahayag ni alyas Ariel, nagpasya siyang ialok ang kaniyang kidney sa halagang P300,000 dahil sa kanyang nararanasang depresyon.

Agad namang nagkaroon ng mga nag-inquire sa kanyang kidney, kabilang ang ilang ahente.

Mabuti na lamang at hindi nagtugma ang kanyang blood type sa pasyente kaya hindi natuloy ang transaksyon.

Aalamin ng NBI kung may kaugnayan ang mga insidenteng ito sa tatlong suspek na naaresto ng ahensya sa San Jose Del Monte, Bulacan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us