AFP at Australian Defense Force, palalakasin ang ugnayang pandepensa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Australian Defense Force (ADF) na palakasin ang kanilang ugnayang pandepensa at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Ito’y sa pag-uusap ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at bagong ADF Chief of Defense Force Admiral David Johnston sa pamamagitan ng video call, kahapon.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, kapwa tiniyak ng dalawang opisyal ang kanilang commitment sa “Regional stability” at sa pagpapatuloy ng matatag na relasyong panseguridad ng Pilipinas at Australia.

Binigyang diin ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng pangmatagalang “partnership” ng Pilipinas at Australia sa pagtugon sa mga hamong panseguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us