Sen. Gatchalian, inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA ang pagpapatigil ng POGO operations sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga senador na nagnanais na ianunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pag-ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.

Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, karapat dapat na talagang ideklara ni Pangulong Marcos ang pagbabawal sa mga POGO.

Binigyang diin ni Gatchalian, na mismong ang Department of Finance (DOF) na ang sumasang-ayon sa pagpapatigil sa operasyon ng mga POGO dahil aabot na sa P90 billion ang lugi ng ating bansa mula sa mga ito.

Dinagdag pa ng senador, na kahit ang National Economic and Development Authority (NEDA) at business groups tulad ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Makati Business Club at iba pa ay nanawagan na rin ng POGO ban, dahil sa pinsalang dulot nito sa imahe ng Pilipinas.

Kaya naman iginiit ni Gatchalian, na napapanahon nang kilusan ng punong ehekutibo ang isyung ito sa naturang industriya. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us