Inaprubahan na ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang founding principles at framework nito na bubuo sa overall mission, governance structure at high level investment approach mula 2024 hanggang 2028.
Isinapinal na rin ng MIC ang Investment and Risk Management Framework na guiding principle sa unang pag-iinvest ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Kabilang na dito ang mga polisiya, strategies at risk management practices sa paglalagak ng pamumuhunan ng MIC at para na rin sa kanilang decision-making at portfolio management.
Sa ilalim kasi ng Republic Act No 11954 ang framework ang prerequisite ng MIC upang masimulan na ang investments.
Samantala, inaprubahan din ng board ang MIC Board Protocol sa pagsasagawa ng Board of Directors meeting alinsunod sa Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) at general principles of good corporate governance.
Ang 12th Board Meeting ay pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto na siya ring MIC Chairperson. | ulat ni Melany Valdoz Reyes