Basilan solon, umapela ng pangmatagalang solusyon sa problema ng BASELCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan ngayon si Basilan Representative Mujiv Hataman sa Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at National Electrification Administration (NEA), na mahanapan ng solusyon ang estado ng kuryente sa Basilan.

Giit ng mambabatas, kailangan ng whole-of-problem approach para maayos ang pagkakautang ng BASELCO.

Tinutukoy ng mambabata ang lumalaking utang ng BASELCO sa NAPOCOR na nasa P3.8 billion na nitong Hunyo mula sa P3.2 billion noong December 2023.

Giit niya sa loob lamang ng anim na buwan, nadagdagan ang utang ng BASELCO ng P600 million o P100 million kada buwan kahit pa nagbabayad ito ng sapat buwan-buwan.

“Bilang kinatawan ng mamamayan ng Basilan, hindi ko po ito pwedeng pabayaan. Kaya sana, umaapela ako sa DOE, sa NAPOCOR at sa NEA, tulungan natin ang BASELCO. Pagtulungan na po natin ito, ako bilang policy-maker at kayo bilang mga ahensya ng pamahalaan,” saad ni Hataman.

Mungkahi ni Hataman, imbes na bigyan ng loan o pautang ang BASELCO, aralin ng mga ahensya ang financial, physical at technical situation ng electric cooperative, at maglatag ng plano para pondohan ang rehabilitasyon nito.

Kasama rin sa suhestiyon ng mambabatas na isama na sa 2025 budget ang kabuuang pondo para sa rehabilitaston ng BASELCO pati ang restructuring ng utang nito sa NAPOCOR.

Unahin na aniya sana na mabayaran ng BASELCO ang principal na utang nito imbes na mabaon sa pagbabayad ng interes.

“Baka pwede nating hilingin sa DOE na ilagay sa national budget proposal nila ang buong pondong kailangan para sa total rehabilitation ng BASELCO, hindi lamang yung pambili ng metro, pambili ng transformer o pagpapagawa ng mga sira ng planta,” diin ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us