Resulta ng SWS Survey ukol sa joint patrols sa WPS, malugod na tinanggap ng NTF-WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ng National Task Force on the West Phil. Sea (NTF-WPS) ang resulta ng SWS survey na nagpapakita na 60 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na “sufficient” ang Joint patrols sa West Philippine Sea.

Sa isang statement, sinabi ni National Security Council (NSC) Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya na ipinapakita ng survey na karamihan kundi lahat ng mga Pilipino ay may kamalayan sa mga isyu West Philippine Sea at sa kahalagahan nito sa pangmatagalang kapayapaan, seguridad at kaunlaran ng bansa.

Bukod dito, lumabas aniya sa survey na pinapahalagahan ng mga mamayan ang paggamit ng “non-escalatory” at “non-aggressive” na paraan para lutasin ang pag-aagawan ng teritoryo sa WPS kabilang ang pagsasagawa ng “Joint patrols”.

Ito’y kaugnay ng resulta ng survey kung saan 72% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa pagtatanggol ng pambansang teritoryo at karapatang pang-ekonomiya sa WPS.

Tiniyak ni Malaya na isinusulong NTF-WPS ang diplomasya at multi-lateral cooperation, sa pagtugon sa mga alitan sa pagitan ng mga bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us