Sen. Nancy Binay, handang sumunod sa rules ng Senate Ethics Committee sa inihain niyang Ethics Complaint

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Senador Nancy Binay na sumunod sa rules ng Senate Committee on Ethics kaugnay ng inihain niyang Ethics Complaint laban kay Senador Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Binay, kung kailangang magkaroon ng Conciliation Meeting bilang bahagi ng proseso ay nakahanda siyang sumunod.

Bukas rin naman ang kanyang pinto para sa pagkakaayos nila ni Cayetano.

Matatandaang nag-ugat ang tensyon sa pagitan nina Binay at Cayetano sa pagdinig ng konstruksyon ng bagong gusali ng Senado sa Taguig City.

Partikular na sa halaga ng konstruksyon ng gusali.

Una nang sinabi ni Senate Ethics Committee Chairperson Senador Francis Tolentino na magsasagawa muna sila ng conciliation meeting sa pagitan nina Binay at Cayetano kasama ang iba pang miyembro ng Ethics Committee.

Kung hindi aniya magkakasundo ang dalawang senador ay saka pa lang magkakasa ng pagdinig ang Ethics Committee tungkol sa Ethics Complaint. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us