Pangulong Marcos Jr., kinilala ang kabayanihan ng mga sundalong nakahimlay sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Eksakto alas-10:36 ng gabi oras sa Pilipinas, sinaluduhan at inalayan ng bulaklak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Tomb of the Unknown Soldier sa Arlington National Cemetery sa Virginia, USA.

Ito ang unang aktibidad ng pangulo sa huling araw ng kaniyang official working visit sa US.

Kasama ng pangulo sa pagbibigay respeto sa himlayan ng mga bayani sa sementeryo ay si Major General Allen Peppin, Commanding General ng US Army Military District of Washington.

Kasama rin ng pangulo sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, National Security Adviser Eduardo Año, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, at iba pang opisyal ng pamahalaan na kasama ni Pangulong Marcos sa US.

Ngayong araw, haharap pa si Pangulong Marcos sa Center for Strategic and International Studies para sa kaniyang policy speech, kung saan pauunlakan ng pangulo ang ilang katanungan mula sa foreign press.

Susundan naman iyan ng pagharap ni Pangulong Marcos sa Philippine media, upang i-ulat ang produkto ng kaniyang limang araw na state visit sa Estados Unidos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us