Ten out of 10 ang gradong ibinigay ni Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga napagtagumpayan nito mula sa nakaraang SONA.
Bunsod aniya ito ng kaniyang matatag na pamumuno at malaking progreso sa pagtupad ng kaniyang mga ipinangako noong nakaraang SONA.
Bagamat lagi namang may “room for improvement” hindi naman aniya makakaila ang resulta ng pagsusumikap ng Pangulo.
“I would grade the President’s performance at a solid 10 out of 10. Over the past year, he has demonstrated strong leadership and made significant strides in delivering on his promises from the last SONA. While there is always room for improvement, his dedication and achievements thus far are truly noteworthy,” sabi ni Romualdez.
Kasabay niyan ay pinuri ng liderato ng Kamara si PBBM sa mga accomplishment nito pagdating sa ekonomiya.
Partikular dito ang pagpapanday para maging isa ang Pilipinas sa pinakamatatag na ekonomiya sa Southeast Asia.
Dahil din aniya sa magandang growth rate ng Pilipinas, ang mga multilateral financial institutions gaya ng World Bank ay nagbigay ng upgraded economic forecasts para sa bansa.
“Under President Marcos’ leadership, our economy is thriving. We are seeing the highest growth rates in decades, which means more jobs and better opportunities for every Filipino,” ani Romualdez.
Si Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. naman, kinilala ang transformative impact ng “Build-Better-More” program.
Halimbawa nito ang Luzon Spine Expressway Network na nagpababa sa travel time mula Ilocos hanggang Bicol mula 20 oras sa 9 na oras na lang.
“Our infrastructure projects are transforming the landscape of our nation. They are not just roads and bridges; they are pathways to a brighter future for all Filipinos,” sabi ng kinatawan ng Pampanga 3rd District.
Pinuri naman ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Representative David “Jay-jay” Suarez ang commitment ng pamahalaan na masiguro ang suplay ng enerhiya sa pamamagitan ng bagong mga power plants at renewable energy.
“The shift to renewable energy is a testament to our commitment to a sustainable and prosperous future. We are not just meeting today’s needs but also protecting the environment for future generations,” saad niya.
Ang Kadiwa at Pambansang Pabahay program naman ang pinuri ni Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Representative Manuel Jose “Mannix” Dalipe.
Ipinapakota kasi aniya nito ang dedikasyon ng pamahalaan na suportahan ang mga higit na nangangailangan.
“The Marcos administration is making sure no Filipino is left behind. From affordable housing to accessible food supplies, we are making tangible improvements in the lives of our people,” sabi ni Dalipe.
Kasabay nito tinukoy ni Ako Bicol Representative Elizaldy Co, ang matagumpay na pagposisyon ng Marcos Jr. adminsitration sa Pilipinas bilang global investment hub.
“Our proactive approach in international relations is paying off. The investments we are attracting are creating jobs and driving economic growth, securing a better future for our nation,” giit ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes