Naka-antabay ang pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagbabantay sa Welcome Rotonda para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Ayon kay Police Captain Chief for Intel & Warrant Follow-Up Ronald Ambatang, nag-deploy ang QCPD ng kaukulang bilang ng mga pulis na magbabantay sa Welcome Rotonda.
Naghanda ng checkpoint ang QCPD para sa mga sasakyan papalabas mula sa Maynila papasok sa Quezon City. | ulat ni Mary Rose Rocero