Nasa 100% nang handa ang Kamara para pakinggan ang isa na namang makasaysayang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito’y ayon mismo kay House Speaker Martin Romualdez.
Aniya, naihanda na ng Kamara ang entablado para mailahad ng Pangulo ang mga accomplishment ng administrasyon kung saan naging bahagi ang Kapulungan sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga kinakailangang lehislasyon.
“It fills me with immense pride to recognize the significant role that the House of Representatives has played in crafting legislation and policies that promote the welfare of all Filipinos. We are excited for the President’s SONA because we know he has many positive developments to share with the nation,’ ani Romualdez.
Mahalaga aniya ang SONA dahil ilalatag dito ang mga napagtagumpayan na ng pamahalaan gayundin ang mga susunod na plano.
Inaasahan na aniya ng Kamara na magbigay ng bagong mga priority bills ang Pangulo at nakahanda silang pagtuunan ito ng pansin.
“As in the previous SONAs, the House will prioritize these measures to ensure their swift passage. We will work diligently to review, deliberate, and enact these proposed laws, recognizing their importance in advancing the President’s legislative agenda and addressing the critical needs of our nation. Our commitment is to continue delivering timely and effective legislation that benefits all Filipinos,” sabi pa niya.
Kasama na rito ang pagtalakay at pagpapatibay sa ₱6.352-trillion National Budget bago mag-break ang Kongreso sa Oktubre at ang tatlo sa nalalabing LEDAC Priority Measures.
Ngayong umaga bubuksan ng Kamara ang ikatlo at huling Regular Session ng 19th Congress. | ulat ni Kathleen Jean Forbes