QC LGU, 3 lang ang grupong pinahintulutang magprotesta ngayong SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Quezon City local government na tatlo lamang ang grupong binigyan nito ng pahintulot na magkilos-protesta ngayong araw, July 22, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang rito ang pro-government group na BBMC na pinayagang magpwesto sa bahagi ng Sandiganbayan.

Habang dalawang grupo naman ang pinayagan sa kabilang panig. Ito ang Sanlakas at ang grupong Bayan.

Una nang nagpaalala ang QC LGU na hanggang Tandang Sora lamang maaaring payagan ang mga raliyista.

Patuloy rin ang pakiusap na iwasan ang pagsusunog ng effigy. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us