Kasalukuyang walang banta ng mabigat na daloy ng trapiko sa Mabuhay Rotonda o mas kilala bilang Welcome Rotonda kung saan nakaantabay at nagsasagawa ng checkpoint ang Galas Police Station 11 ng Quezon City Police District.
Ayon kay Police Captain Ronaldo Ambatang, ang pagsasagawa ng checkpoint ay upang matiyak ang kapayapaan sa inaasahang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayundin, ang pagmomonitor ng kapulisan upang matiyak na may permit ang mga kilos-protestang papasok ng Quezon City.
Samantala, bahagyang pag-ambon at malakas na hangin ang nararanasan sa naturang boundary ng Maynila at Quezon City. | ulat ni Jollie Mar Acuyong