Ganap na pagbabawal sa POGO operations, ipinag-utos na ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Epektibo simula ngayong araw (July 22), ganap nang ipagbabawal sa Pilipinas ang ano mang porma ng POGO operations.

“The grave abuse and great disrespect to our system of laws must stop. Kailangan nang itigil ang paggulo nito sa ating lipunan at panglalapastangan sa ating bansa. Effective today, all POGOs are banned.” -Pangulong Marcos Jr.

Sa ikatlong SONA, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat na matigil ang lahat ng pambabastos sa sistema at batas ng bansa lalo’t kaakibat ng operasyon ng POGO ang prostitusyon, kidnapping, financial scamming, money laudering, torture, at maging ang pagpatay.

“Naririnig namin ang malakas na sigaw ng taumbayan laban sa mga POGO.  Disguising as legitimate entities, their operations have ventured into elicit areas far from gaming such as financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture, even murder.” -Pangulong Marcos.

Malayong-malayo aniya sa gaming scheme na pakilala nito sa bansa.

Sabi ng Pangulo, masu-solusyunan ng hakabng na ito ang ilang problema ng bansa lalo na sa usapin ng krimen.

Gayunpaman, mangangailangan ito ng kooperasyon mula sa mga mamamayan, law enforcers, at mga opisyal at manggagawa ng bansa.

“To solve all the problems that we have been suffering under, all officials, law enforcers workers in government, and most of all the citizens must always be vigilant, principled, and think of the health of the nation.” -Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatigil na ang operasyon ng POGO sa pagtatapos ng taon.

Ang DOLE, inatasan naman hanapan ng trabaho ang mga Pilipino na mawawalan ng trabaho sa hakbang na ito ng administrasyon kontra POGO. “I hereby instruct PAGCOR to whine down and seize the operation of POGOs by the end of the year. The DOLE, in coordination with our economic managers shall use the time between now and then to find jobs  for our countrymen who will be displaced.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan