Mariing kinondena ng National Security Council (NSC) ang tangkang destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang pahayag, tinukoy ni NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya ang inilabas na video na nag-uugnay sa Pangulo sa paggamit ng ilegal na droga bilang gawa-gawa at malisyosong panloloko na ikinakalat sa mga mamamayan.
Ayon kay Malaya, ang video na ginawa sa pamamagitan ng teknolohiya at “stage management” ay pagpapakita lang kung gaano ka-desperado ang mga indibidwal na may pansariling motibo.
Nagpahayag ng pagkabahala at alarma si Malaya sa kalkuladong pagtatangka na bahiran ang imahen ng Pangulo.
Binigyang diin naman ni Malaya na lalabanan ng NSC ang anumang tangkang pahinain ang “duly constituted democratic institutions”. | ulat ni Leo Sarne