Lumakas pa ang bagyong Carina, base sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong hapon.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong sa 420 km Silangan ng Tuguegarao City Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometro kilometer(kph) kada oras at bugso na aabot sa 150 kph.
Itinaas na sa Storm Signal No. 1, ang Batanes, Eastern portion ng Mainland Cagayan (Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-Lo, Gonzaga) kabilang ang Eastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Babuyan Is.), at Northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).
Ayon sa PAGASA, pinapalakas ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat, kaya maaaring makaranas ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Carina sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling araw. | ulat ni Rey Ferrer