2 poste bumagsak sa Brgy. Highway Hills sa Mandaluyong City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang isinara ang Sheridan Street sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City, Martes ng umaga.

Ito’y kasunod ng pagbagsak ng dalawang concrete post sa lugar matapos dumaan ang isang container van na siyang humila sa mga kable.

Ayon sa ilang nakakita sa lugar, alas-5:15 kaninang umaga nang mangyari ang insidente.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng Bantay Bayan ng Brgy. Highway Hills para abisuhan ang mga motorista na sarado muna sa trapiko ang naturang kalsada.

Posible namang abutin pa ng hanggang hapon ang gagawing pagkukumpuni sa dalawang poste dahil may live wire ng kuryente gayundin ay mayroon pa itong mga kable ng telecommunication companies (TelCos).

Samantala, dahil sa insidente may ilang mga establisimyento ang nawalan ng kuryente gayundin ng internet connection. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us