Tiniyak ni Department of Finance Sec. Ralph Recto na tutulong ng kanyang kagawaran sa mga mangagawang maapektuhan ng ban ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation o Pogo sa bansa.
Ito ay kasunod ng pronouncement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address na itigil ang operasyon ng POGO hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Recto, meron pang mahigit apat na buwan ang gobierno upang tulungan na makahanap ng bagong trabaho ang mga POGO Filipino workers.
Anya.. makikipagugnayan sila sa Department of labor and Employment o DOLE upang masiguro na hindi maapektuhan ang kita ng mga mangagawa.
Ipagkakaloob din ang kaukulang reskilling and upskilling training para sa kanilang bagong trabaho.
Base sa datos ng DOLE.. nasa 22,000 Filipinos ang nagtatrabaho sa tinatayang 50 legitimate POGO companies habang hindi naman madetermina ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga illegal POGO hubs. | ulat ni Melany V. Reyes