Mahigit 1k na biktima ng human trafficking, nasagip ng ACG sa Clark

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasagip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Anti-Cybercrime Group at iba’t ibang ahensya ng gubyerno ang mahigit sa isang libong biktima ng human trafficking sa Clark, Pampanga.

Ito’y matapos na maghain ang mga awtoridad ng search warrant at warrant to search, seize and examine computer data sa isang kumpanya sa loob ng Clark Free Port Zone, Clark Pampanga kagabi.

Ayon kay ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino ang mga biktima ay iba’t ibang nasyonalidad na pinag-trabaho sa cyber-fraud industry.

Kabilang dito ang 129 Filipino at 919 dayuhang Chinese, Vietnamese, Malaysian, Indonesian, Taiwanese Nepalese, at Thailander.

Kasalukuyan aniyang pinoproseso ang mga biktima habang hinihintay ang mga papeles ng mga dayuhang biktima mula sa kanilang embahada para makabalik sa kanilang bansa.

Kasama ng ACG sa matagumpay na operasyon ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration (BI), Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT), at PNP Special Action Force (SAF). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us