Ilan pang paliparan sa bansa, nagsuspinde na rin ng operasyon dulot ng masamang panahon — CAAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido ang operasyon ng nasa 11 paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Miyerkules.

Ito ang inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bunsod pa rin ng nararanasang malawakang pag-ulan na dala ng bagyong Carina at ng pinaigting na hanging habagat.

As of 8:30am, suspendido ang operasyon ng Basco Airport, San Jose Airport, Iba Airport, Sangley Airport, Tacloban Airport, Lubang Airport, at Laoag International Airport.

Gayundin ang Vigan Airport, Lingayen Airport, San Fernando Airport, at Baguio Airport.

Dahil dito, inatasan ng CAAP ang kanilang mga tauhan na panatilihin ang heightened alert para tiyakin ang kaligtasan at alalayan ang mga maaapektuhang pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us