Pag-uusapan ng mga alkalde sa National Capital Region kung kailangan na bang isailalim ang Metro Manila sa state of calamity.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ambush interview kasunod ng pinangunahan nitong situational briefing sa NDRRMC.
Ayon sa Pangulo, hindi naman maikakaila kung gaano din naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang Metro Manila lalo na ang Malabon at Navotas na nasiraan pa ng flood control.
Paglilinaw ng Pangulo, hindi siya ang magdedeklara ng state of calamity at ito aniya’y nasa hurisdiksiyon ng local chief executives.
Papasok lamang aniya ang national government paliwanag ng Pangulo kung nasa tatlong mga rehiyon na ang apektado at nang sa gayon ay maka-access sa additional funds ang mga apektadong lokal na pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar