Kalsada sa Brgy. Boulevard, Molo, Iloilo City, winasak ng malakas na hampas ng alon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa walang humpay na paghampas ng malakas na alon, nawasak ang kalsada sa tabi nang dagat sa Barangay Boulevard, Molo, Iloilo City.

Hindi ngayon madaanan ang barangay road matapos masira at mabitak mula nang lumakas ang hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Carina.

Sinabi ng residenteng si Lito  noong Lunes, July 22, nang unti-unting nawasak ang kalsada dahil sa lakas ng alon na sinabayan pa ng high tide.

Inilikas na rin ang mga residente kasunod ng utos ng Iloilo City CDRRMO.

Sa datos ng CDRRMO mahigit 60 bahay na ang napinsala kasunod ng naranasang storm surge dahil sa sama ng panahon. | ulat ni Jenel Baclay | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us