Camp Aguinaldo, binuksan para daanan ng lahat ng sasakyan dahil sa pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maaaring dumaan sa Camp Aguinaldo ang lahat ng sasakyan para makaiwas sa baha.

Sa abisong inilabas ngayong umaga, isinara epektibo kaninang alas-6 ng umaga ang gate 2, 3, at 6 ng kampo.

Ito’y dahil sa pagbaha sa mga kalsada sa palibot ng kampo.

Dahil dito, pinahintulutan ang lahat ng sasakyan na dumaan sa kampo gamit ang gate 1, 4, at 5 upang makaiwas sa baha. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us