Naghatid ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga residente ng CAMANAVA na naapektuhan ng Bagyong Carina.
Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang pamamahagi ng relief goods na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at hygiene kits.
Nagpasalamat naman si Robles sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang relief operation.
Kabilang sa mga nagpaabot ng tulong ang ilang pribadong, kumpanya at iba’t ibang mga organisasyon.
Samantala, tiniyak ng PCSO na patuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Carina at habagat. | ulat ni Diane Lear
📷: PCSO