Pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling binuhay ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukalang pagpapatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.

Ito ay nakapaloob sa Senate Bill 2451 o ang panukalang Ligtas Pinoy Centers Act na layong magtayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas.

Ang mga naturang evacuation center ay magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga mamamayang apektado ng mga sakuna at kalamidad kagaya ng pagbaha, bagyo, lindol, sunog, at ang pagkalat ng ano mang mga sakit.

Paliwanag ni Gatchalian, sa pamamagitan ng panukala ay maiiwasan nang gamitin ang mga paaralan bilang evacuation center dahil nakakaabala ito sa pagpapatuloy ng edukasyon.

Pinunto ng Senate Committee on Basic Education Chairperson, na sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 37 s. 2022, hindi dapat lumagpas sa 15 araw ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation center.

Sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act, minamandatong tiyakin na ang mgevacuation centers ay magiging matatag sa gitna ng pananalasa ng mga lindol na may 8.0 magnitude at mga super typhoon o bagyong may wind speed na 300 kilometers per hour. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us