Presyo ng mga bilihin sa La Union, nananatiling stable sa kabila ng epekto ng bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling stable ang presyo ng basic necessities and prime commodities (BNPC) sa La Union.

Nagsagawa ang opisina ng price monitoring sa mga supermarket at groceries sa San Fernando City, La Union ngayong Hulyo 25, 2024.

Ito ay upang matiyak na sumusunod ang mga pamilihan sa itinalagang suggested retail price (SRP) at walang magtataas ng presyo kasabay ng nararanasang epekto ng habagat at bagyong Carina.

Ayon sa DTI-La Union, pasok naman sa SRP ang lahat ng kanilang na-monitor na BNPCs.

Kaugnay nito, hinihikayat ng DTI ang publiko na i-report sa mga kinauukulan kapag mayroon silang makitang nagtataas ng presyo sa basic commodities. | ulat ni Glenda B. Sarac

Photo: DTI-La Union