Sen. Villanueva, suportado ang pag-imbestiga sa flood control projects ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Senador Joel Villanueva na kailangang imbestigahan ang flood control projects ng pamahalaan kasunod ng naranasang malawakang pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina.

Giit ng senador, hindi katanggap-tanggap na dahilan ang pagsasabing malakas na ulan at dami ng tubig ang sanhi ng mga pagbaha.

Ito lalo na aniya’t halos nasa P1 bilyong kada araw ang ginagastos ng gobyerno sa mga flood control project.

Giit ni Villanueva, mahalagang makita kung saan napupunta ang pondong nakalaan para sa mga proyektong ito.

Partikular na nais tanungin ng mambabatas ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga proyektong ito, bilang implementing agency.

Pero ipinunto rin ni Villanueva na maging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metropolitan Manila Development Atuhority (MMDA), at Department of Agriculture (DA) ay may flood control programs rin.

Kaugnay nito, naniniwala rin ang senador na dapat may managot sa usaping ito.

Ngayong araw, nag-ikot si Villanueva sa iba’t ibang bayan ng Bulacan na labis na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina para mamahagi ng tulong. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us