Komisyon sa Wikang Filipino, nakahandang labanan ang disinformation sa isyu ng West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na tumulong sa paglaban sa disinformation hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni KWF Commissioner Benjamin Mendillo Jr. na sa ngayon ay politically loaded ang isyu na dapat ipaubaya sa mga eksperto o mga lider ng bansa.

Pero, panahon na umano na may maipantapat sa mga kumakalat na disinformation lalo na sa social media.

Nakahanda aniya silang makipagtulungan sa Presidential Communications Office (PCO) upang maglunsad ng malawakang media information, upang makasali ang pamahalaan sa diskurso hinggil sa mga ipinaglalaban nating teritoryo sa WPS.

Aniya, nakahandang magsalin sa Filipino ang Komisyon ng mga materyales na hawak ng mga information arm ng pamahalaan.

Sabi pa ni Mendillo, may mga tauhan ang Komisyon na may mga kapasidad na magsasagawa ng pagsasalin ng mga debate sa WPS issue. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us