22 Pilipinong atleta sa Paris Olympics, panalo na sa puso ng lahat ng Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalakas ni Speaker Martin Romualdez ang loob ng ating mga atleta na kasalukuyang sumasabak sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay Romualdez, sa isip at puso ng mga Pilipino lahat ng 22 kinatawan ng Pilipinas sa Olympics ay maituturing nang mga panalo.

“Let me address our athletes and say that you are all winners in the hearts and minds of every Filipino watching the Paris Olympics today. Ipinagmamalaki namin kayo at nagpapasalamat sa inyong pakikipagtagisan ng galing laban sa pinakamagagaling na atleta sa buong mundo,” sabi ni Speaker Romualdez

Giit niya na ang kanilang sakripisyo at tagumpay ay magsisilbing paalala sa mga Pilipino ng mga makakamit pa kung magpupursigi.

Sabi pa niya, na nasa likod ng mga atleta ang buong bayan na sumusuporta at ipinagbubunyi ang kanilang mga laban.

Sabi pa ni Speaker, na buong buo rin ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglalakbay ng mga atletang Pinoy sa Olympics.

Kinilala rin ng lider ng Kamara, na hindi lamang karangalan at papuri ang hatid ng atletang Pinoy sa ating mga kababayan sa buong mundo, dahil dala din nila ang inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na nais magpunyagi at sumabak sa pandaigdigang laban sa palakasan.

“You carry with you the hopes and dreams of an entire nation, and we are confident that you will represent the Philippines with honor and dignity. We look forward to celebrating your successes in Paris! Mabuhay ang atletang Pilipino!” Paglalahad ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us