Mga sundalong nagbalik mula sa pagbabantay sa BRP Sierra Madre, sinalubong ng AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na sinalubong ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang 28 sundalong nagbalik mula sa pagbabantay sa BRP Sierra Madre kahapon.

Sa isang palatuntunan sa Naval Detachment sa Oyster Bay Pier sa Puerto Princesa City, pinarangalan ni Gen. Brawner ang mga tropa na nakatapos ng kanilang deployment sa Ayungin Shoal.

Pinasalamatan ni Gen. Brawner ang mga sundalo sa kanilang dedikasyon at commitment sa pagprotekta sa soberenya at interes ng bansa sa West Philippine Sea.

Nagpasalamat din si Brawner sa suporta at pang-unawa ng kanilang pamilya  na nagsisilbing pampataas ng morale ng mga sundalo.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, ang ligtas na pagbabalik ng mga tropa matapos ang isinagawang matagumpay na Rotation and Resupply Mission noong July 27, ay pagpapakita ng mahalagang papel ng AFP sa pangangalaga ng pambansang interes.  | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Ambay/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us