Solusyong batay sa siyensya, kailangan para malutas ang pagbaha — OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ng Office of Civil Defense (OCD) ang kahalagahan ng pagbuo ng komprehensibong plano para masolusyonan ang problema ng pagbabaha at kakulangan ng tubig sa bansa.

Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang naturang plano ay dapat na nakabatay sa siyensya, na maaaring saklawin ang 18 major river basins sa bansa.

Ito aniya ang isa sa nakikita nilang tugon sa kamakailang naranasang malawakang pagbaha at patuloy na epekto ng El Niño, na labis na nakaapekto sa sektor ng agrikultura.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng malalaking dam para sa flood control, levy system, irrigation canals, catch basins, relocation, landslide prevention, alarm systems and safety protocols, at reforestation.

Batay sa pinakabagong advisory ng PAGASA, ang bansa ay nasa La Niña Alert status, kung saan may 70% tsansa na mabuo ito mula Agosto hanggang Oktubre at posibleng magpatuloy hanggang sa unang kwarter ng susunod na taon.  | ulat ni Leo Sarne

📸: OCD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us