Presyo ng itlog, inaasahang bababa na ngayong nagsimula na ang pasukan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang mga nagtitinda ng itlog partikular na sa Marikina Public Market na bababa na ang presyo ng kanilang paninda ngayong pormal nang nagbukas ang klase sa mga paaralan.

Ayon sa ilang nagtitinda ng itlog, ito’y dahil sa nananatiling mataas ang presyo nito dahil ngayon pa lamang nakababawi ang ilang mga poultry raisers na nagsara nitong nakalipas na tag-init.

Idagdag na rin diyan ang banta ng Bird Flu naman sa lalawigan ng Tarlac na siya ring inaasahang makaaapekto sa bentahan nito.

Ayon sa ilang nagtitinda ng itlog, sa mga ganitong panahon sila makababawi ng bentahan dahil ang itlog ang siyang madalas at pinakamadaling gawing baon ng mga estudyante.

Bukod pa iyan sa sustansyang ibinibigay nito na nakatutulong ng malaki sa kalusugan ng mga estudyante.

Samantala, inaasahan namang gaganda na ang kalidad ng itlog ngayong tag-ulan dahil sa malamig ang panahon.

Kasalukuyang naglalaro sa ₱7 hanggang ₱10 ang presyo sa kada piraso ng itlog depende sa laki nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us