₱5,000 chalk allowance ng mga guro, matatanggap na ngayong linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na matatanggap na ng mga guro sa pampublikong paaralan ang kanilang ₱5,000 chalk allowance ngayong linggong ito.

Iyan ang pangakong binitiwan ng kalihim nang magsagawa ito ng pag-iinspeksyon sa ilang piling paaralan kasabay ng pagbubukas ng School Year 2024-2025 o ang “Balik-Eskuwela” kahapon.

Para sa kalihim, maituturing na tagumpay ang pagbubukas ng klase sa kabila ng ilang paaralan ang hindi nakasabay dahil apektado ng nagdaang habagat at bagyong Carina.

Gayunman, batay sa datos ng DepEd, nasa 98 porsyento ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nakapagbukas na ng kanilang klase.

Dahil naman sa mga naranasang kalamidad ngayong tag-ulan, muling binigyang-diin ng kalihim ang pangangailangang palakasin ang Blended Learning upang hindi mabalam ang pag-aaral ng mga estudyante. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us