Higit 970,000 family food packs, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Carina at habagat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Carina at habagat sa bansa.

Ayon sa DSWD, as of July 29, aabot na sa 977,560 na family food packs ang nailaan nito sa NCR, at mga rehiyon ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol.

Nangunguna ang Region 3 sa may pinakamalaking natanggap na food packs na umabot na sa 422,116.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang kagawaran sa mga lokal na pamahalaan para agarang maihatid ang nararapat na tulong para sa mga naapektuhang komunidad.

Kaugnay nito, malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation center bunsod ng bagyong Carina at habagat.

Sa huling tala ng DSWD, nasa halos 14,000 pamilya pa o katumbas ng 53,691 indibidwal ang pansamantala pa ring nanunuluyan sa higit 300 evacuation centers sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us