Tiniyak ni Tourism Secretary Christina Frasco sa mga tourism stakeholders partikular ang mga nagmula sa private sector na ginagawa lahat ng Marcos administration ang lahat para maging competitive sa buong mundo ang turismo ng Pilipinas.
Sa ginawang ceremonial signing para sa Memorandum of Understanding sa pagtatayo ng kauna-unahang Tourism First Aid Facility sa bansa, sinabi ni Frasco na alam ng kasalukuyang administrasyon na kapag pinangalagaan ang seguridad at kalagayan ng isang turista ito ay magreresulta sa longer staying tourists, repeat visits, at mas maraming economic opportunities, livelihood, at kita para sa mga Filipinos at mga negosyo na nakadepende sa tourism industry.
Mahalaga din aniya ang pag-iinvest sa tourist convenience at safety para matiyak na magtutuloy-tuloy ang momentum ng paglago ng turismo sa Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco