Commander ng French Pegase 2024 Mission, bumisita sa Camp Aguinaldo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Charlton Sean Gaerlan si French PEGASE 2024 Mission Commander Air Force Brigadier General Guillaume Thomas sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ang PEGASE o Projection of a Heavy Air Package in Southeast Asia mission ay kasalukuyang nagtatanghal ng Airshow sa Clark Air Base sa Pampangga upang ipakita ang air power ng Pransya.

Sa pakikipagpulong ng French mission commander kay Lt. Gen. Gaerlan, napag-usapan ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at Pransya sa larangang pandepensa.

Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Gaerlan sa pagbisita at sinabing mahalaga ito sa pagsulong ng international cooperation.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang pagbisita ni Gen. Thomas at French PAGASE 2024 Mission sa Pilipinas ay pagpapatibay ng commitment ng dalawang bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us