Bilang pagtugon sa patuloy pa ring epekto ng El Niño sa kabuhayan at ang banta ng mga paparating pang kalamidad gaya ng bagyo, pinaglaanan ng DBM ng P31 billion ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa taong 2025.
Bukod pa sa halagang ito ang P1 billion na People’s Survival Fund o taunang pondo na ibinibigay sa mga LGU at local community organizations sa pagpapatupad ng climate change adaptation projects upang makatugon sa epekto ng climate change.
Nakasaad din sa 2025 National Expenditure Program na isinumite sa Kamara ang P26 million pambili ng kagamitan sa komonikasyon ng mga disaster prone areas sa ilalim ng Govenment emergency Communications System ng DICT.
Patuloy ding palalakasin ng PAGASA na may P543 million allocation t PHIVOLCS na may P445 million.
Kasama rin sa panukalang pambansang pondo ang insurance coverage para sa mga classroom laban sa mga sunog o natural disasters sa pamamagitan ng National Indemnity Insurance Program ng Bureau of Treasury.
Sa kabuuan ang NIIP ay mayroong P800 billion na halaga ng insurance para sa lahat ng DEPED school sa buong bansa. | ulat ni Kathleen Forbes