Sa susunod na linggo mag sisimula ang budget briefing ng Kamara para sa 2025 National Expenditure Program.
Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, maaga nilang masisimulan nag pagbusisi sa panukalang pambansang pondo dahil na rin sa maagang isinumite ng ehekutibo ang NEP.
Unang haharap ang Development Budget Coordinating Council o DBCC na kinabibilangan ng DBM, Department of Finance, NEDA at Bangko Sentral ng Pilipinas.
“the instruction of the House leadership is for the Committee on Appropriations to already start with the budget briefings. And by next week, without any delay, we will start with the budget briefing of the 2025 National Expenditure Program. So, the Committee on Appropriations under Committee Chairman Zaldy Co will start the briefing and will start it with the DBCC. The Department of Budget and Management, the Secretary of Finance, and all other agencies which were tasked and mandated for the creation of the budget will be present,” sabi ni Dalipe
Ani Dalipe target nila sa Kamara na mapagtibay ang general appropriations bill sa ikatlo o ika-apat na linggo ng Setyembre upang maipadala na sa Senado ang bersyon ng budget bill bago ang October break ng Kongreso.
“we are working on a timeline of third or fourth week of September as our deadline in approving the House General Appropriations Bill on Third Reading and subsequently submitting it to the Senate. So, pagdating ng October break we are expecting our counterparts in the Senate to ready deliberate on it and hopefully when they go back in session, when we all go back in session, they can already discuss it in Plenary,” dagdag ng House Majority leader
Nilinaw din ng House Majority leader na siyang chairperson ng Committee on Rules na ipagpapatuloy ng iba pang mga komite ang gumugulong nilang mga pag-dinig kasabay ng budget hearings.
Nakiusap kasi aniya ang ilan sa mga committee chairs na sana’y hayaan sila na maipagpatuloy ang kanilang mga pagdinig, halimbawa na lang ang isyu sa war on drugs at sa POGO related crimes.
“nakikiusap po iyong ating mga committee chairmen, they are already on the process of having very important resource persons, very important information that time is of the essence specially when we are crafting the budget. So hinihingi po ng ating mga committee chairmen na payagan po sila na ipagpatuloy iyong mga committee hearings…will now have more or less parallel hearings, one is for the budget and iyong isa naman po duon sa mga ongoing hearings na importante din.” giit ng Zamboanga solon
Sa paraang ito ani Dalipe ay mabibigyang pagkakataon ang mga komite na matapos na ang kanilang committee report ay maiulat ang resulta ng kanilang mga pagsisiyasat. | ulat ni Kathleen Forbes