Naghatid ng malinis na inuming tubig ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga nasalanta ng Habagat at bagyong Carina sa mga apektadong komunidad sa Luzon.
Ayon sa PRC, aabot sa 27,000 litro ng malinis na inuming tubig ang kanilang naihatid bukod pa iyan sa iba pang pangangailangan ng mga nasalanta ng kalamidad.
Nagpa-ikot ng water tankers ang PRC sa may 1,000 pamilya sa mga lungsod Marikina at Valenzuela gayundin sa lalawigan ng Cavite at iba pa.
Kasunod nito, tinatayang nasa 3,000 inidibiduwal na apektado ng kalamidad ang nakinabang naman sa Hygiene Promotion Services ng Red Cross sa pamamagitan ng kanilang Water, Santiation and Health (WASH) teams. | ulat ni Jaymark Dagala