Sisimulan na sa Agosto ng Department of Agriculture ang roll out ng bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF) sa mga lugar na apektado ng sakit sa baboy.
Ito’y matapos ianunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na aprubado na ang Certificate of Product Registration (CPR) ng bakuna.
Ayon ka Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nasa 150 thousand vaccine ang agad na ikakalat sa mga tinatawag red areas ng ASF, partikular sa lalawigan ng Batangas at Mindoro.
Naglaan ang DA ng Php350-Million na pondo para sa vaccine rollout.
Sinabi ni Tui Laurel na dahil limitado pa ang bilang bakuna kontra ASF ay restricted muna ito, pero ibibigay ito ng libre.
Ang CPR ay may dalawang-taong validity at oobserbahan ang resulta sa loob ng apat na buwan.| ulat ni Rey Ferrer