Nakatakda na sa Agosto ang pagsisimula ng Senado na talakayin ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, sa August 13 ay magsisimula na ang briefing at debates ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa 2025 budget.
Tiniyak rin ng senate president na gaya ng ginawa sa nagdaang budget, tanging ang mga ahensyang nangangailangan lang ng confidential at intelligence fund ang bibigyan nito.
Dahil election year sa susunod na taon, sisiguruhin rin aniya ng Senado na hindi magagamit ang budget para sa kampanya ng mga kandidato.
Binigyang diin rin ni Escudero na may batas at COMELEC regulation na ring nakalatag para maiwasang magamit ang pondo ng gobyerno sa kampanya ng sinumang tatakbo sa halalan.| ulat ni Nimfa Asuncion