Agad pinakilos ni Speaker Martin Romualdez ang kaniyang mga kasamahan upang matulungan ang nasa libong mangingisdang apektado ng oil spill.
Aniya, hindi na dapat hintayin pa na humingi ng tulong ang mga apektadong residente bagkus ay sila na mismong mga mambabatas ang maglapit ng tulong ng gobyerno.
Dagdag pa niya kabuhayan ng mga mangingisda ang nakasalalay kaya’t mahalaga ang kagyat na pagtugon.
Partikular na hinimok ng House Speaker ang mga kasamahang mambabatas mula Pampanga, Bataan, Bulacan at Cavite na makipag-ugnayan na sa mga residenteng apektado upang malaman kung ano kanilang kinakailangang tulong at kung ilan ang mga mangingisda na apektado.
Nangako si Romualdez gagamitin ang lahat ng available na reosurces gaya ng TUPAD at AICS program para sa agarang tulong sa mga mangingisdang apektado ang kabuhayan.
Pinatataya rin ng lider ng Kamara sa mga kongresista ang lawak ng pinsala sa kanilang nasasakupan katuwang ang kanilang lokal na mga pamahalaan, BFAR, Philipine Coast Guard at iba pang ahensya.
Ang naturang oil spill ay dulot ng dalawang barko na lumubog sa Bataan at Manila Bay.
Isa rito ang MT Terra Nova na may kargang 1.4 na milyong litro ng industrial oil.
11,000 mangingisda sa Bulacan at 8,000 sa Bataan ang apektado at may libo rin sa Pampanga at Cavite.| ulat ni Kathleen Forbes