Dapat ay igalang ang Philippine National Police (PNP) kung magdesisyon ito na bawiin ang security detail ng isang opisyal ng pamahalaan.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Manila Rep. Joel Chua, batid naman na may kakulangan sa bilang ng kapulisan ang PNP, kaya kung bawiin ang security detail para idestino sa ibang assignment ay hindi ito dapat tignan bilang pamomolitika.
Pagbabahagi pa ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., maging sila na mga kongresista, limitado rin ang security detail na pulis.
Katunayan ang Pampanga solon, mayroon lang aniyang dalawang security detail.
May pagkakataon rin aniya na binabawi ang mga ito kahit pa may mga lugar silang kailangan puntahan na delikado.
Ngunit bilang paggalang sa pambansang pulisya ay hinahayaan nila ito.| ulat ni Kathleen Forbes