NHA, nagbigay ng moratorium sa mga benepisyaryo na biktima ng bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng isang buwang moratorium ang National Housing Authority (NHA) sa housing amortization at lease payment sa mga benepisyaryo nito.

Partikular na tinukoy ng NHA ang mga benepisyaryo ng pabahay mula sa National Capital Region (NCR), Rehiyon III at IV.

Ayon sa NHA, suspendido ang lahat ng housing loan amortization at lease payment ng residential accounts na babayaran mula Hulyo 1 hanggang 31, 2024. 

 Dahil dito, ang regular amortization at lease payment ay magpapatuloy sa Agosto 1, 2024.

Ilalapat naman ayon sa kasalukuyang payment plan ang settled amortization sa loob ng moratorium period.

Samantala, naka-hold din mula Hulyo 1, 2024 hanggang Disyembre 31, 2024 ang delinquency o karagdagang mga singil sa interes.

Ang mga penalty at mga singil sa interes para sa delinquent residential accounts para sa parehong mga benepisyaryo ay magpapatuloy sa Enero 1, 2025. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us