US $500-M halaga ng military aid ng Estados Unidos sa Pilipinas, pormal na inanunsyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na inanunsyo ni US Secretary of State Antony Blinken at Department of Defense Secretary Lloyd Austin na maglalaan ng US$500 milyong na military aid ang Estados Unidos sa Pilipinas.

Ang pahayag ay ginawa ni Sec. Blinken at Sec. Austin sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo kasama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa pagtatapos ng 2 plus 2 Ministerial Conference.

Ayon kay Blinken, ang military aid ay para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Photo courtesy of Department of National Defense

Sa panig naman ni Austin, kanyang sinabi na nais din nilang doblehin ang kanilang investment sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa bansa.

Nagpasalamat naman si Sec. Teodoro at Sec. Manalo sa magandang resulta ng makasaysayang 2 plus 2 ministerial consultation at sa tulong ng US sa Pilipinas.

Ayon kay Teodoro, ang investment ng US ay hindi lang makatutulong sa kakahayang pang depensa ng bansa kung hindi maging malaking tulong din sa EDCA pagdating sa humanitarian assistance disaster relief operations sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us