MMDA, patuloy ang paglilinis sa mga lugar na binaha sa Metro Manila matapos ang Habagat at Bagyong #CarinaPH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid ang paghakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga basura na naiwan ng habagat at bagyong Carina sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kabilang sa mga nilinis ng mga tauhan ng MMDA Metro Parkways Clearing Group ang Kabayani at Banaba St. sa Brgy. Nangka, Marikina City; Marcelino St. at Tawiran Ext. sa Brgy. Santolan, Pasig City; at Barangay Salapan sa San Juan City.

Ngayong araw, mahigit 170 tonelada ng basura ang nakolekta ng MMDA sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at mga benepisyaryo ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MMDA na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa Metro Manila, lalo na matapos ang kalamidad.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us